Kaloka. Yung nasa isip ko kanina hindi ko na talaga naalala. Oh well. Nasiyahan naman ako sa pagtutumblr, dami ko nabasa. Hanggang sa muli kong pagbisita. Nagloloko na naman si Pareng net. >.<
Texto postado em 1.06.2012 às 3:21 |
1 note | ? Reblogue this Tags: bye, out,
Pero nung nabisita ako sa isang blog. Nakalimutan ko na may ipopost nga pala ako. Maya na nga lang. backread muna :D
Texto postado em 1.06.2012 às 2:43 |
2 notes | ? Reblogue this Naisip ko lang habang bumibili ako kanina ng drumstick na gagamitin ko bukas sa practice ang topic na ito. Naitanong ko kasi sa sarili ko kung “May talent nga ba ako?” I know na lahat naman ng tao biniyayaan ng talent pero till now hindi ko pa rin matuklasan kung saan nga ba talaga ako may angking galing. Minsan tinutubuan ng hiya o di kaya ay kawalan ng self-confidence. Pero ngayon para akong timang na nae-excite makahawak ng drumstick at matutong tumugtog ng drums.
Honestly wala akong hilig sa music. Madalas naiimpluwensyahan lang ako sa mga tugtog na nakakatuwaan kong pakinggan. Noong bata ako napilitan akong sumali sa drum and lyre dahil sa extra curricular points na makukuha ko bilang candidate sa honor. Pero after ko magelementary taekwondo naman ang nakatuwaan ko. Tapos ngayon pagsusulat na nagagawa ko lang kapag hindi na ako ganun kabusy at kapag nasa mood ako. Pero feeling ko kulang eh. Parang gusto kong magkaroon ng kaalaman sa musika kaso saan?
Ilang beses na akong tinuruan ng mga naging ex ko na magaling maggitara. Pinagtyagaan ako pero hindi pa rin talaga ako matuto. Nakahiligan yun ng kapatid ko hanggang sa siya pa ang natutong maggitara sa amin. Tinatanong ako ni Papa kung anong hilig kong instrumento pero wala akong maisagot. Pero ngayon, may gusto na ako. Bukas may practice kami sa church at sana magawa ko ng tama ang ituturo sa amin.
Alam ko namang hindi ako pababayaan ni Lord. At kung sakaling magtagumpay man ako sisiguruhin kong pagyayamanin ko kung ano mang talent ang ibibigay sa akin ng Diyos. Ihhhhhhhh. Excited na talaga ako!!!
Texto postado em 29.05.2012 às 9:22 |
0 notes | ? Reblogue this Tags: personal,
Ilang taon ba ako naglaho sa tumblr? Bakit parang ang tagal eh parang halos isang sem lang naman. Yung mga taong nakakausap ko noon hindi ko na makausap ngayon. Parang nasa isa akong marathon at nauna na silang lahat at hindi ko na mahabol pa. Minsan gusto ko i-pm pero parang nahihiya ako, yung tipong “naaalala pa kaya nila ako?” “namiss kaya nila ako?” o baka naman mamaya ako lang yung nag-iisip na ka-close ko pa rin sila.
Hindi na rin ako nakaka-attend ng mga meet-ups bukod sa walang pera. Ee hindi ko naman nalalaman kung may meetup at saan.
Namimiss ko na yung mga taong kapag nakikita ko sa meetup yayakapin ko ng mahigpit at ikikiss ko. namimiss ko na makipagkilala sa mga bagong pwedeng maging kaibigan. Namimiss ko na gelpren ko. Namimiss ko na si Yumiko. Namimiss ko na yung 4some. Namimiss ko na si Rona. Namimiss ko na yung mga idol ko dito sa Tumblr. At syempre namimiss ko na yung mga crush ko dito.
Kailan kaya ulit ako maging active dito? miss ko na talaga to .
Texto postado em 17.05.2012 às 3:49 |
6 notes | ? Reblogue this Tags: 4somelove, youjizelle, prinsesanibatman, kodomoppoi,
Hahahaha. Lakas lang maka-aning. Ewan ko lang kung pinaglihi ba talaga ako kay Dora dahil naiinis ako sa tuwing nananahimik lang sa bahay at walang ibang lugar na pinupuntahan. Ang problema ko lang talaga ay wala akong pera upang magamit sa paggala. Sa madaling sabe ay wala kasing baon kaya walang natitipid.
Ako yung tipo kasi na kapag may pasok ay akala ng iba madami akong pera. Matipid lang kasi talaga ako at hindi ako basta basta gastos ng gastos. Ang pinakanapupuntahan madalas ng pera ko ay pamasahe at panggala kung saan. Ayaw na ayaw kong natatahimik ako sa bahay dahil ewan, gusto kong lumabas at gumala kahit mainit. Pero kapag nasa bahay naman ako ng ibang tao ay tuwang tuwa ako.
Ngayon wala na naman akong pera. Ang masaklap pa, need ko pang magbenta ng yelo dito sa bahay para lang makaipon ng pamasahe kapag pupunta ako ng church. >.< Hindi ko naman ikinaiinis ang pagpunta sa church. Nakakainis lang na walang pasok. Wala akong mapagkuhanan ng pera. AHAH.
Sana pasukan na >.< Ang tagal naman kasi eeeeeeeeeeeee…
Texto postado em 17.05.2012 às 3:38 |
0 notes | ? Reblogue this Tags: personal, kwento,
Yan yung tumimo sa utak ko sa sinabi ni Pastor kahapon. Kung may nagpapasama ng loob mo, i-bless mo lang. Kung kay buti naman ng pinapakita mo pero ang sama sama ng ugali sa’yo, i-bless mo lang. Kung dine-discourage ka, i-bless mo lang. Kahit anong mangyari, masama man ang trato sa’yo patuloy mo lang i-bless ang mga taong yon. Dahil kung sakaling hindi sila magbago o hindi sila umayos o tumino, at kung hindi karapat dapat ang blessing sa kanila, babalik din yon lahat sa’yo :)
Thank you Lord for that wonderful message. I’m so Blessed :”>
Texto postado em 14.05.2012 às 12:15 |
1 note | ? Reblogue this Tags: Lord, God, savedbygrace,
Inuulit ko. ang pagbati na ito ay para sa mga ina niyo :)
(Source: kizyouwant)
Texto postado em 12.05.2012 às 12:52 |
0 notes | ? Reblogue this Ina? Para saan ba sila? Para lang ba dalin tayo ng siyam na buwan sa sinapupunan at ilabas sa mundong ito? A BIG NO.
Ang isang ina kasi para sa akin ay taga-gabay, tagapag-alaga at pinaka-nakakaintindi ng damdamin ng isang anak.
Para mailarawan ang isang ina, ilalarawan ko na lang ang ina na nagbigay ng buhay sa akin. Ang ina na nagsisilbing pinaka-inspirasyon ko sa unti-unting pagtupad sa mga pangarap ko.
Kilala mo ba ang ina ko? Well, ipapakilala ko sa’yo.
Kilala siya sa pangalang Noemie, Normita ang totoong ngalan. Mabait na tao at bibihira ang hindi makakasundo. Palakaibigan si Mama at laging nakangiti sa mga taong nakapaligid sa kaniya.
Lahat ng aking mga kaibigan, kaklase na nakilala siya ay mapapatunayan ito. Kung kaibigan ko, ang gusto niya syempre ka-close din niya kaya kapag pinakilala ko makikipagbiruan kaagad siya.
Si Mama yung tipong gusto rin lahat ng bagay nasa ayos. Syempre bilang ina, gusto niya dapat malinis, maayos ang mga gamit at hindi magulo. May listahan pa nga siya noon na nakadikit sa pader namin ng lahat ng mga bilin niya bago umalis papunta ng ibang bansa. hahah
Si Mama yung mamimiss mo sigurado kapag nawala sa bahay, kasi maingay siya. HAHAH. Kapag wala siya pakiramdam ko nabingi ako sa katahimikan tuwing pagkatapos niyang ihatid sa airport. Nakakapanibago. NAKAKAMISS
Si Mama yung sobrang maalaga sa amin, yung pakiramdam na hinding hindi niya talaga hahayaan na mapaano kami. Minsan nga lang sobrang nerbyosa at kung anu-ano ang naiisip na negatibo. :)
Si Mama yung tipong isusubo na lang niya, ipapakain pa sa aming mga anak niya. Although may mga time na may mga pangakong hindi kaagad natutupad, may mga dahilan naman lahat kaya hindi ako nagtatanim ng sama ng loob dahil naiintindihan ko at minsan lang naman yun dahil all the time, hindi pa ako nagsasalita alam na niya ang pangangailangan ko. At kung manghingi man ako, gagawan at gagawan niya ng paraan. Ganyan ako kamahal ni Mama.
Si Mama din yung pinagmanahan ko ng pagiging gala. HAHAHA. Madalas din hindi yan mapakali at ginagawang palengke ang Divisoria lalo na kung may pera :D
Cool at kikay din si Mama. Minsan nga kapag pinagtabi kami mas mukha pang ako ang nanay at siya ang dalaga. Mahilig siya sa mga headband na iba iba ang design at makukulay. At isa sa namana ko sa kaniya ang pagkahilig sa paga-eyeliner. Si Mama nga lang yung matutulog na pero maga-eyeliner pa din. HAHAHA
Ang dami ko pang gustong sabihin about kay Mama pero yan na lang muna. Baka kasi mainggit kayo at kunin sa akin ang Mama ko :D
Sobrang mahal ko si Mama. May mga time man, I mean madalas man. HAHAH na napapainit o napapasakit ko ang ulo niya. Aminado naman ako na hindi ako perpektong anak. Pero seryoso ako tuwing sasabihin ko sa kaniya na hindi ko siya bibiguin.
Naiiyak ako kapag may mababa akong grade o di kaya ay nagdedelikadong subject. Naiisip ko na nakakaawa naman si Mama, pagod na nga sa trabaho sa ibang bansa bibigyan ko pa ng nakakadisappoint na grade. Kaya pinipilit ko talagang pataasin ang grade ko.
Marami akong mga pangarap kay Mama, at sa tuwing nakikita ko siya sa webcam na pagod na pagod parang gusto kong hilahin yung panahon at makapagtapos na at makahanap ng trabaho tapos pauuwiin ko na siya dito sa amin. Ipinangako ko din sa sarili ko na hindi ako mag-aasawa hanggang hindi ko naaayos ang buhay ng pamilya ko.
Lagi man sinasabi ni Mama na huwag ko na siyang intindihin kapag nakapagtapos ako ay hindi ko magagawa, nangangarap ako, madami akong pangarap para kay Mama. Gusto kong magbuhay reyna siya sa bahay at gumala sa divisoria hanggang kailan niya gusto. Pwede ding sa mall naman para hindi naman siya pagpawisan. Gusto kong ibili siya ng maraming maraming headband at eyeliner hanggang sa mailabas na siya sa Jessica Soho dahil sa kaniyang collection haha.
Gusto kong malaman ni Mama kung gaano ko siya kamahal. Sana kapag nabasa niya ito hindi ko siya mapaiyak. Iyakin yun ee! Parang ako lang, masisisra kasi eyeliner niya kapag umiiyak.
Kung makakapili ako ng ina sa mga susunod ko pang buhay, paulit ulit kong pipiliin si Mama. Hindi ako magsasawang maging ina siya at sana hindi siya magsawa na maging anak ako.
MAMA, mahal kita. Panghawakan mo lahat ng pangako ko. May sira man ang ulo ko, seryoso ako sa lahat ng sinasabi ko. MAHAL NA MAHAL KITA MA. Lagi mong tatandaan yan :) HAPPY MOTHER”S DAY sa MAMA ko. Proud ako na siya ang naging INA ko :D

DIBA? ang gandaaaaaaaaaaaaaaa… :”>

PINK :D siya ang idol ko sa pagporma :D

LATEST PIC, kuha pa ito mula noong huling gabi niya d2. DECEMBER 26, 2010


miss chatting with her :D tinago ko talaga tong mga pic nato para sa araw na ganito. :)
MISS NA MISS KO NA SI MAMA> AT MAHAL NA MAHAL KO SIYA>
Texto postado em 12.05.2012 às 12:17 |
3 notes | ? Reblogue this Tags: personal, happy mother's day, mama, photos,
Hindi ako nagtatanong kung bakit kayo nagbago sa akin. Dahil alam ko naman ang dahilan, pero minsan naiisip ko kung alin ba ang nagbago sa akin at alin ang nanatili para manatili ang mga taong nakapaligid pa rin sa akin hanggang ngayon.
Nagpapasalamat ako sa mga taong hanggang ngayon ay mahal ako at still nagmamalasakit pa rin sa akin kahit na minsan wala na akong panahon sa dami ng ginagawa ko.
At ipinagdadasal ko ang lahat ng taong mahal ko na laging maging ligtas.
I love my friends. Salamat sa’yo ha? Oo ikaw. :)
Texto postado em 11.05.2012 às 22:25 |
0 notes | ? Reblogue this May mga bagay na itunuro sa akin na hanggang ngayon ay sinusunod ko. Pero bakit yung mga taong nagturo sa akin noon ay ginagawa yung mga bagay na itinama sa akin nila noon?
Ah ewan….
Texto postado em 11.05.2012 às 22:19 |
0 notes | ? Reblogue this 